Tuesday, January 25, 2011

Daddy =')

kapag nahanap ko na ang lalaking alam niyang mapapaiyak niya ko pero hinding hindi niya gagawin. Hindi ko na siya pakakawalan :)
Daddy ko yung unang lalaking nagpaiyak sakin ng sobra, nagpaasa sakin ng sobra, pero natutunan ko paring mahalin sa kabila ng mga pagkukulang niya sakin. Siya rin yung unang minahal kong lalaki at unang lalaking inintindi ko.
Siya yung pinaka the best na tatay na magkakaron ang isang dalagang katulad ko, ginagawaniya yung lahat mabigay at makuha ko lang yung mga bagay na gusto ko. Ayaw na ayaw niyang nadidisappoint ako, dati naaalala ko pa pag napapagalitan ako lagi sa Mama ko, kukunin niya ko tapos yayakapin niya lang ako tatahan na ko kasi ayaw niyang nakikita akong umiiyak.
Pag nasa denstist ako noon, lagi niyang sinasabi huwag daw akong iiyak pag nagpapabunot ako ng ipin at pag narinig ko na yun mula sakanya, di talaga ko iiyak kahit nasasaktan na ko. HE TAUGHT ME HOW TO BE STRONG. Tinatandaan ko yun hanggang ngayon.
At kapag dumating ang oras na iibig akong muli..
Sisiguraduhin kong ikaw lang yung lalaking mamahalin ko tulad ng pag-mamahal ko sa nag-iisang lalaki sa buhay ko. Ikaw lang yung taong mag-papakita sakin na kahit imperfections ng mga lalaki, iba ka pa ren. Ikaw lang rin yung lalaking, sa kabila ng mga immaturity and imperfections ko, ‘di mo ko iiwan. You’re the reason why I cried but you will still be the reason why I am smiling.