Wednesday, August 25, 2010

Thoughts

For me, Life is about the people we often ignore.Yung mga taong naaalala mo lang kapag kailangan mo sila. Yung isang text mo,andyan.Yung magtetext sa’yo kung busy ka, at kahit ilang beses mo replyan ng ‘oo’, e hindi nagsasawang magtanong araw-araw para sa konting oras na makausap ka. Yung mga taong kayang iwan ano man ang ginagawa nila dahil sa simpleng rason na dun ka lang nila pwede makasama. Sila.. sila ang deserving sa pagmamahal mo kaya mahalin mo sila. Hindi mo man sila kayang mahalin sa paraan na gusto nila, pero mahalin mo sila sa paraan na kaya mo. Hindi mo man kayang suklian nang buo ang pagmamahal nila, kaya mo naman iparamdam sa kanila na masaya ka dahil pinipili nila na manatili sa tabi mo. Pangalagahan mo sila kase hindi mo alam kung hanggang kelan sila nandyan. Hindi ba’t ang sarap isipin na sa bawat oras na lumilipas, may isang taong hindi mapakali kakamiss sayo? They are worth smiling for, trust me. :)

No comments:

Post a Comment